Iloilo First District Representative Janette Garin, naghain ng COC bilang re-eleksyunista

Naghain ng certificate of candidacy (COC) ngayong araw si Congresswoman Janette Garin para sa kanyang muling pagtakbo sa 2025 Elections bilang kinatawan ng unang distrito ng Iloilo.

Kasabay ni Garin na nagfile ng COC ang kanyang anak na babae na kandidato naman bilang board member ng Iloilo 1st district.

Kasama din ni Garin ang kanyang mister na si Miag-ao Town Mayor Richard Garin na naghain ng naman COC bilang re-eleksyunista.


Ayon kay Garin, target nyang ipagpatuloy ang pagsusulong sa Kongreso ng pagkakaloob na de-kalidad na serbisyong publiko para sa kanyang mga kapwa Ilonggo at buong sambayanang Pilipino.

Facebook Comments