KIDAPAWAN CITY – Target ng Commission on Human Rights (CHR) na mailabas sa Biyernes ang resulta ng imbestigasyon sa madugong dispersal sa Kidapawan City.Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon, layunin ng kanilang fact-finding investigation na malaman kung sino ang dapat na mapanagot sa insidente na ikinasawi ng tatlong magsasaka at ikinasugat ng mahigit sa isang daan.Samantala,Sinabi ni Provincial Dir. Senior Supt Alexander Tagum na kinasuhan na sa prosecutor’s office ang mahigit 90 raliyista na nanguna sa barikada ng mga magsasaka at militanteng grupo sa Kidapawan.Giit ni Tagum, ilegal ang pagbabarikada ng mga magsasaka dahil hanggang Marso-a-bente-otso lamang ang permit na ibinigay sa kanila pero tumagal ito ng hanggang Abril-a-uno.Inihahanda narin ng mga abugado ng mga magsasaka ang pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa mga opisyal sa gobernador ng North Cotabato at Provincial Director ng lalawigan.
Imbestigasyon Ng Commission On Human Rights Sa Kidapawan Rally, Ilalabas Na Sa Biyernes
Facebook Comments