Imbestigasyon sa pagkamatay ni Atio, may nananabotahe daw – VACC

Manila, Philippines – Ibinulgar ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na may maimpluwensyang personalidad ang humahadlang sa pagsasampa ng kaso sa mga miyembro ng Aegis Juris fraternity.

Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, may natanggap siyang impormasyon na ginagamit ng nasabing mga personalidad ang kanilang koneksyon sa gobyerno para mapatagal makasuhan ang mga suspek sa pagkamatay ni Horacio Castillo III.

May posibilidad din aniya na ang mga maiimpluwensyang tao na ito ang nagsisilbing protektor ng mga nagtatagong miyembro ng Aegis Juris.


Dahil dito, pinayuhan ni Jimenez ang mga magulang ni Castillo na mag-ingat, lalo na sa mga taong maaaring gamiting emisaryo ng kabilang kampo.

Facebook Comments