INFLATION & TRAIN | Bilang ng mga Pilipinong naghihirap, nadagdagan

Manila, Philippines – Nadagdagan ng limang milyon ang bilang ng mga Pilipino na naghihirap dahil sa patuloy na paglobo ng inflation at sa epekto ng first package ng tax reform program ng gobyerno.
Sinabi ito ni Marikina Representative Miro Quimbo nang isulong niya ang isang panukala na naglalayong mapawalang bisa ang excise tax na ipinapataw sa kerosene at diesel sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Iprenesenta ni Quimbo ang pag-aaral ng Asian Development Bank of the Philippines noong 2008 at 2009 kung kailan ay tumaas din sa hindi inaasahang antas ang inflation.

Aniya, sa bawat 10% na pagtaas sa presyo ng pagkain ay nagreresulta ito sa 2.3 milyon na bagong mahihirap na Pilipino.
Hinimok naman ni Quimbo ang mga kasamahan niya sa Kongreso na pag-aralan muna ang probisyon ng inihain niyang panukala para maintindihan nila ang benepisyo na dulot nito.

Facebook Comments