Iniwang pinsala ng magnitude 7 na lindol sa Abra sa sektor ng agrikultura sa CAR, pumalo sa mahigit P3-milyon!

Aabot sa mahigit sa P3-milyon ang naging pinsala ng magnitude 7 na lindol sa Abra nitong Miyerkules sa sektor ng agrikultura at mga irigasyon sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa P3.88 milyon ang kabuuang pinsala sa CAR pa lamang.

Sa ngayon, patuloy na nakatutok ang DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center hinggil sa pinsalang idinulot ng nasabing lindol at agad na magpapalabas ng ayuda para sa mga apektado.


Una nang tiniyak ng pamahalaan na nananatiling sapat ang suplay ng mga ayuda para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon.

Ito ay kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan batay na rin sa ulat sa kanila ng National Food Authority (NFA).

Samantala, inanunsyo ng NFA na dalawang warehouse o bodega ng bigas ang napinsala rin ng lindol partikular na sa mga bayan ng Pidigan, Abra at Tablac, Candon City.

Facebook Comments