Inter-Agency Task Force na tututok sa nakasasagabal na linya ng kuryente, binuo

Manila, Philippines – Bumuo ng Inter-Agency Task Force ang Department of Energy (DOE) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para tutukan ang mga sagabal sa linya ng mga kuryente.

Layon ng Inter-Agency Task Force na matiyak ang agarang pag-aalis at paglilipat ng mga sagabal sa electrical facilities sa mga national highway.

Inatasan rin ang task force na mamahala sa pagbibigay ng tamang kabayaran sa mga electrical cooperatives kaugnay ng paglipat ng mga poste at iba pang pasilidad na nasa right of way ng gobyerno.


Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, oras na maresolba ang isyu ng right of way mapapadali na ang mga proyektong pang-imprastraktura at paghahatid ng serbisyo ng kuryente.

Aniya, mahalagang maresolba ito para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments