Intertropical Convergence Zone o ITCZ patuloy pa rin nakakaapekto sa Mindanao

Manila, Philippines – Patuloy pa ring nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ na nagdudulot ng sama ng panahon sa ilang bahagi ng Mindanao.

Partikular na makakaranas ng maulap na kalangitan at isolated thunderstorm ang rehiyon ng Caraga, Davao, lalawigan ng Saranggani, South Cotabato kasama na rin ang Metro Manila.

Aasahan rin ang mahinang pag-ulan sa Western Visayas at Negros Island.
Samantala, ayon sa PAGASA wala silang nakikitang bagyo na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility.


Agwat ng temperatura sa buong kamaynilaan ay magsisimula sa 26 hanggang 33 degrees celcius.

*Sunrise:5:29AM*
*SUNSET: 6:28PM*

Facebook Comments