Papayagan na ang interzonal travel o pagbiyahe sa labas ng National Capital Region (NCR) alinsunod sa restrictions ng mga Local Government Units (LGUs) sa mga destinations.
Batay ito sa rekomendasyon ng Inter-Agency Agency Task Force (IATF) na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Alinsunod sa kautusan, ang mga point-to-point travel sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) ay papayagan ng walang age restrictions.
Pero kung may mga kabataan na edad 18-anyos pababa at matatandang edad 65-anyos pataas, kailangang magprisinta muna ng negative result ng RT-PCR test bago ang pagbiyahe.
Sa religious gathering naman, papayagan na sa 10 percent ang venue capacity at desisyon na ng LGU kung papayagan pa itong itaas pa ng hanggang 30 percent.