Intrigang nagmula sa Kamara ang impormasyong may kudeta sa Senado, pinalagan ng mga kongresista

Pumalag ang ilang kongresista sa pahayag ng ilang senador na nagmula umano sa House of Representatives ang impormasyon ukol sa planong kudeta sa Senado.

Ayon kay Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, nirerespeto nila ang independence ng Senado kaya nagtataka sila kung bakit palaging idinadawit ang Kamara sa mga isyu sa Senado.

Dismayado naman si Pwersa ng Bayaning Atleta Party-list Rep. Migs Nograles na palaging pinapasama ang imahe ng Kamara at pinagbibintangan tuwing may nag-aaway sa Senado.


Ipinaalala naman ni 1-Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez ang pagmamaliit ng isang senador sa mga kongresista kaya nakakagulat na ngayon ay tila pinapalabas na may impluwensya ang Kamara sa Mataas na Kapulungan.

Facebook Comments