INUTUSAN | Sen. Legarda, inatasan ang DPWH na maglatag ng plano para sa bike lanes

35

Manila, Philippines – Inatasan ni Senadora Loren Legarda si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na gumawa ng plano para sa konstraksyon ng mga bike lanes.

Ayon kay Legarda, chairman ng senate committee on finance, matitiyak sa bike lanes ang kaligtasan ng mga biker.

Makakatulong rin aniya ito para maibsan ang trapiko at magiging environment friendly rin kung marami ang mahihikayat na magbisikleta

Nangako naman si Villar na agad silang magsusumite ng plano sa Senado.

Facebook Comments