IPADEDEPORT | Norwegian na wanted sa pagpatay sa sariling kapatid, arestado ng BI

Nakatakdang ipadeport ng Bureau of Immigration (BI) ang Norwegian fugitive na wanted ng mga otoridad sa Oslo, Norway dahil sa pagpatay sa kanyang kapatid na lalaki

Si Helge Stensland ,52 anyos ay naaresto ng immigration authorities sa Santa Cruz, Laguna.

Si Stensland ay dalawang taon nang nagtatago sa Pilipinas matapos nitong mapatay sa saksak sa Norway ang kapatid niyang si Audun matapos ang mainitang pagtatalo


Ang nasabing Norwegian fugitive ay madalas magtungo sa Pilipinas matapos itong makapag-asawa ng Filipina kung saan sila ay may dalawang anak.

Facebook Comments