HINDI ALAM | Paglapag ng eroplano ng China sa Davao, walang koordinasyon sa Department of National Defense

Davao – Hindi alam ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang paglapag ng Eroplano ng China sa Davao City nitong June 8, 2018.

Aniya nalaman nya lang itong lumapag sa Davao City ay nakaalis na ang eroplano.

Pero nilinaw ni Lorenzana na may koordinasyon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang pag landing ng eroplano sa Davao City.


Paliwanag sa kanya ng CAAP nagrefuel lang ang eroplano ng China para tumungo sa Cairns (Kerns) Australia.

Wala naman aniyang bago sa paglanding ng China sa Davao City para mag refuel dahil ginagawa rin aniya ito ng ibang mga bansa katulad ng Amerika

Facebook Comments