Ipinagkait ang sweep: PLDT tinapos ang 9 na win streak ng Creamline Cool Smashers

Hindi pinagbigyan ng PLDT High Speed Hitters ang Creamline Cool Smashers na makamit ang sweep ngayong Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Sa kanilang bakbakan kahapon sa Ynares Center sa Antipolo, dinurog ng High Speed Hitters ang Creamline para sa kanilang ikatlong sunod na panalo laban sa koponan.

Ito rin ang unang beses na natalo ang Cool Smashers mula noong August 2024.


Nagtapos ang laban sa scores na 30-28, 25-21, 23-25, 18-25, at 16-14 kung saan nanguna ang Fil-Canadian star spiker na si Savi Davison sa opensa at depensa na kumamada ng 34 points sa 29 attacks at limang blocks.

Hindi naman kinaya ng mga MVP na sina Bernadeth Pons at Tots Carlos ang PLDT at nasayang ang kanilang 23 at 16 points.

Facebook Comments