Philadelphia 76ers rookie Jared McCain bet maglaro sa Gilas Pilipinas

Handa umanong maglaro para sa Gilas Pilipinas ang Philadelphia 76ers rookie na si Jared McCain.

Sa pagbisita ni McCain sa ginaganap na NBA All Star Weekend sa San Francisco, sinabi ng may dugong Pinoy na Sixers player na ito ay kung sakaling papayagan siya.

Isa ang No. 16 pick na si McCain sa rising stars ng Philadelphia at napili sa Rising Stars game para sa All-Star weekend.


Pero hindi siya nakapaglaro dahil sa natamong injury na torn meniscus.

Sa isang video noon, ibinunyag ni McCain na nasa 10 porsyento siyang Pinoy.

Facebook Comments