Ipinagkibit balikat lamang ng Malakanyang ang pagkakabilang ng Pilipinas sa mga bansang pinakadelikadong tirahan para sa mga mamamahayag

Batay sa New York-based Committee to Protect Journalists (cpj) Global Impunity Index (GII) ngayong 2019, panglima ang Pilipinas  sa mga tinguriang  most dangerous countries para sa media.

 

Paliwanag ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco, inaasahan na nila ito dahil hangang ngayon ay hindi pa rin nahahatulan ang mga salarin sa Ampatuan Massacre case kung saan 58 civilians, kasama ang 32 journalists, ang napatay na kinokunsiderang single deadliest attack sa mga miyembro ng media.

 

Simula umano noong 2009 ng mangyari ang insidente ay napabilang na ang bansa sa naturang listahan.


 

Naniniwala naman si Egco na mag-iimproved ang ranking ng Pilipinas sa 2020 lalo pat sinasabing posibleng mailabas na ang hatol sa Maguindanao Massacre ngayong taon.

 

Nanguna naman sa listahan ang Somalia na sinundan ng Syria, Iraq at Mexico.

Facebook Comments