IPINAGTANGGOL | P10 milyong multa sa Grab, kinukuwestyon ng isang commuters group

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng isang commuters’ group ang Grab Philippines kasunod ng desisyon ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na patawan ito ng P10 million na multa dahil sa P2.00 per minute travel time charge na ipinatupad ng ride-hailing service.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, president ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), may legal na batayan ang Grab Philippines sa pagtakda ng sariling fare structure nito dahil sa inilabas na Department Order No. 2015-011 ng noon ay Department of Transportation (DOTr).

Si Atty. Inton ay dati ring nagsilbing board member ng regulatory agency.


Aniya, lumagpas sa kaniyang kapangayarihan ang board sa ginawa nitong aksyon laban sa Grab.

Dapat rin aniyang, dinala ni PBA party-list Representative Jericho Nograles sa korte ang akusasyong nagpataw ang Transport Network Company (TNC) ng ‘di aprubadong pasahe kung kaya at kumita umano ito ng tinatayang P3.24 billion sa illegal charges maliban sa iba pang excessive at hidden charges.

Facebook Comments