IPINAGTANGGOL | SolGen Calida, dinepensahan ng minorya sa Kamara

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni House Minority Leader Danilo Suarez si Solicitor General Jose Calida sa gitna ng panawagan ng ilang mambabatas na magbitiw na ito sa pwesto.

Depensa ni Suarez, walang masama kung magnegosyo ang mga opisyal ng gobyerno dahil kailangan naman ito para buhayin ang kanilang pamilya.

Hindi aniya maituturing na isyu ang mahigit 200 Million na contract sa gobyerno na nakuha ng Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated na pagmamay-ari ng pamilya ni Calida.


Aniya, ang kailangan lamang silipin dito ay kung ligal at dumaan sa tamang proseso ang kontrata.

Partikular na aniya ang isyu sa kung napaboran ang VISAI dahil nakapwesto si Calida bilang SolGen o kung dumaan ba o hindi sa bidding ang kontrata.

Si Calida ay kinampihan na mismo ni Pangulong Duterte bagamat ang Department of Justice naman ay iimbestigahan umano ang mga kontrata ng VISAI.

Facebook Comments