IPMR ng Malapatan, Sarangani pinagbabaril-patay

General Santos City—patay ang Indigenous People Mandatory Representative ng Malapatan, Sarangani Province, matapos itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa harap ng kanilang balay sa Barangay Poblacion, Malapatan, Sarangani Province.

Kinilala ni Police Chief Inspector Niel Wadingan, Spokesman ng Sarangani Police Office ang biktima na si Pastor albino Benaton, 52, residenti ng nasabing lugar.

Sa initial investigation ng Malapatan Municipal Police Station napag-alaman na alas 6:55 kagabi ng pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng Motorsiklo ang biktima habang itoy nasa harap ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion.


Tadtad ng bala ang katawan ni Benaton bago ito iniwan ng mga suspek, dinala pa ng kanyang mga kaanak ang biktima sa isang pribadong pagamutan dito sa Gensan pero idenikrala itong dead on arrival.

Sinabi ni Police Chief Inspector Neil Wadingan na sa ngayon nagpapatuloy pa ang kanilang imbistigasyon hinggil sa insidenti, habang kanila pang inaalam ang motibo ng krimen. Isa sa mga anggulong kanilang tinitingnan ay ang hinggil sa trabaho nito bilang IPMR.

Facebook Comments