Isa pang 45-anyos na pulis, namatay sa COVID-19; 135 new recoveries naitala sa hanay ng PNP

39

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na nasawi matapos magkasakit ng Coronavirus disease 2019.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service, isang lalaking Police Non-Commission Officer o PNCO ang nasawi.

Siya ay nakatalaga sa PNP CALABARZON na namatay nitong October 16, 2020.

Dahil dito, umabot na sa 21 ang kabuaang bilang ng mga pulis namatay dahil sa virus.

Samantala, nadagdagan din ng 52 mga PNP ang nagpositibo sa COVID-19 kaya umabot na sa kabuaang 6,727 COVID cases sa PNP.

Sa mga bagong nagpositibo, tig-14 ang nakatalaga sa PNP Region 8 at PNP Region 9, anim sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tig-apat sa PNP Cordillera at PNP BAR, tatlo sa PNP CALABARZON, dalawa sa PNP Region 2 at tig-iisa sa PNP Region 1, PNP Region 3, PNP Region 5, PNP Region 6 at PNP Region 11.

Good news naman dahil mas marami ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa hanay ng PNP kumpara sa bilang ng mga bagong nagpositibo.




Sa ulat pa ng PNP Health Service, mayroon panibagong 135 recoveries kaya umabot na sa kabuuang 6,108 ang mga gumaling na sa COVID-19 sa hanay ng PNP.

Facebook Comments