
Naghain din si Davao City First District Representative Paolo Duterte ng petisyon para mapauwi ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na inilipad na patungong The Hague.
Kahapon, inihain ang isa pang petition for habeas corpus kung saan kumatawan bilang abogado si Atty. Harry Roque.
Hinihiling din sa petisyon na maglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema upang pahintuin ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) at International Criminal Police Organization (INTERPOL).
Ito na ang ikatlong petisyon na inihain ng mga anak ng dating pangulo.
Una nang naghain ng magkahiwalay na petition for habeas corpus sina Davao City Mayor Baste Duterte at dating presidential daughter na si Kitty Duterte.
Facebook Comments