PNP, binawi na ang itinaas na heightened alert status

Lifted na ang heightened alert status ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, umiiral na muli ngayon ang normal alert status sa bansa.

Pero paglilinaw ni Fajardo, hindi ito nangangahulugang magpapakampante ang Pambansang Pulisya lalo’t nagpapatuloy ang kaliwa’t kanang paghahanda sa nalalapit na 2025 midterm elections.


Matatandaang itinaas sa heightened alert ang status ng buong bansa nitong Martes, March 11, 2025 matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nasa The Hague, Netherlands na para harapin ang kanyang kasong Crimes against humanity na may kaugnayan sa umano’y madugong kampanya nito kontra ilegal na droga.

Facebook Comments