Tatlo, patay; isa, nawawala sa hagupit ni Bagyong Dante sa Mindanao

86

Tatlo na ang patay habang isa ang nawawala sa pananalasa ng Tropical Storm Dante sa Mindanao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), patay ang labing apat na taong gulang na babae matapos na anurin sa baha sa South Cotabato habang nawawala naman ang ama nito.


Patay rin ang isang sanggol matapos na mailibing ng buhay sa landslide sa Davao De Oro habang isang 71-taong gulang na lolo naman ang inanod ng baha sa Davao Del Sur.

Sa ngayon patuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Dante.

Facebook Comments