ISANG HONEST NA DAGUPEÑO, NAGSAULI NG NAPULOT AT NAWALANG PITAKA, KILALANIN

Sabi nga nila “Honesty is the best policy” kaya naman isang kababayan natin ang inspirasyon ngayon dahil sa kanyang kabutihan at magandang loob sa pagsauli ng napulot at nawalang pitaka. Si idol Sarah Mar Battung, residente ng Lucao, Dagupan City ay isang fruit vendor. Isinauli niya ang nawalang pitaka na naglalaman ng 14,870 cash, ATM cards at mga identification cards.
Tinanggap na rin ni Mr. Avel Verney Zaragoza na taga Narvacan Ilocos Sur ang kanyang nawalang pitaka. Nagpapasalamat siya sa kabutihang loob ni Idol Sarah. Labis na ikinatuwa naman ng kanyang mga kabarangay ang kanyang pagiging tapat.
Isa si Idol Sarah Battung na nagpapatunay na ang totoong kayamanan ay integridad na ang paggawa ng tama, may makakita man o wala. Sana’y marami ka pang ma-inspire idol, Congratulations mula rito sa IFM DAGUPAN! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments