Patay on the spot ang isang security guard makaraang gumiwang giwang ang kanyang minamanihong motor bajaj kulay item sa national highway ng hangganan ng brgy. Layog at brgy. Galakit kapwa sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao. Alas 10:30 ng umaga kanina.
Kinilala ng traffic management unit o TMU ng Pagalungan Pnp ang biktima na si Badrudin Solaiman, 28 anyos, walang asawa na residente ng brgy. Talitay, Pikit, Cotabato.
Ayon sa pagsisiyasat ng Pagalungan PNP traffic management unit. Kapwa galing sa bayan ng Kabacan ang biktima at multicab. Kung saan sakay siya ng kanyang motor bajaj kulay item at pagdating sa nasabing lugar ay nag overtake siya sa isang motor at multicab na kulay orange na may lolan atip, ngunit nang maunahan na niya ang naturang multi cab ay biglang gumiwang giwang ang takbo ng kanyang minamanihong motor, hanggang sa natumba siya at napasok sa multi-cab na pahirong papunta sa bayan ng pikit
Hinde na nadala pa sa pagamutan ang biktima dahil pumanaw din sa ilalim ng multicab bago siya nakuha o napalabas nang nag responding mga otoridad.
Sa ating panayam sa isa sa tiyohin ng biktima, ilang araw lang umano ang biktima dito sa bayan ng pikit, dahil nakapokos siya sa kanyang trabaho sa Davao city bilang security guard at nakatulong umano siya sa kanyang mga parents sa araw araw na pangangailangan.
Walang nagawa ang tiyohin at mga relatives ng biktima kundi tanggapin ang nangyari.
Dinala na nang mga kamag anak ng biktima ang kanyang bangkay sa barangay Talitay, Pikit, Cotabato
Mismo si brgy. Talitay kapitan Benjamin Mantol ang nag asikaso sa libing ng biktima kung saan kamag anak niya ang biktima ng vehicular accident.(RADYOMAN JESSIE ALI)
Isa patay sa road accident sa Pagalungan maguindanao
Facebook Comments