Isa patay sa Search Warrant operation ng PDEA-ARMM,PNP at Army sa Talitay Maguindanao kahapon

Patay ang isang dating barangay kagawad ng barangay Kiladang Talitay maguindanao makaraang manlaban daw sa mga operatiba ng PDEA-ARMM at 90th IB at Talitay PNP matapos na isilbi ang tatlong Search Warrant
Target sa operasyon si Maguid Senduan, na nakipagpalitan ng putok sa raiding team, na isinugod pasa CRMC ngunit ideneklarang patay matapos manlaban, nakuha sa kanyang bahay ang 200 grams na shabu na nagkakahalaga ng kalahating milyong peso, dalawang caliber 45 pistol na baril at mga bala, isang digital weighing scale at bala ng M79 launcher.Nakatakas naman ang isa nilang target nasi Nasser Sinduan.
Ayon kay PDEA-ARMM Director Juvenal Azurin. na matagal na umano nilang sinailalim sa surveillance ang suspect makaraang makarating sa kanilang kaalaman na nagtutulak ito ng droga.

Facebook Comments