Isa sa top 10 most wanted na tulak ng droga sa Baybay City Leyte, timbog sa buy-bust operation

72

Arestado sa buy-bust operation ang isa sa top 10 most wanted na tulak ng droga sa Baybay City sa Leyte.

 

Tinangka pa ng suspek na si Joe Pajinando, na gamiting human shield ang kanyang pamangkin na sanggol.

 

Nakuha mula rito ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at isang baril.

 

Sa hiwalay na operasyon sa Albuera, Leyte, dalawang tulak din ang naaresto ng mga otoridad.

 

Mahigit 20 pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa bahay ng mga naaresto.

Facebook Comments