Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng 76 na panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00 ngayong umaga, aabot sa pitumpu’t anim ang muling naitala sa Isabela kung saan tatlumpu’t apat (34) ang mula sa Santiago City, labing walo (18) sa City of Ilagan, siyam (9) sa Cabatuan, walo (8) sa Naguilian, tatlo (3) sa Lungsod ng Cauayan, at tig-isa (1) sa bayan ng San Mateo, Gamu, Echague, at Cabagan.
Idineklara namang ‘fully recovered’ ng DOH 2 ang dalawampu’t limang (25) COVID-19 patients sa probinsya.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 500 na kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ang Isabela.
Facebook Comments