Cauayan City, Isabela – Umabot sa 12,576 na mga mangagawa at 1,490 establisiyemento ng Isabela ang maaambunan ng ikalawang bugso ng programang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment (DOLE 2) Region 2 o may katumbas na mahigit 62.8 milyong piso. Ito ang pinakamalaki sa buong rehiyon dos.
Sumunod dito ang pinagsamang 8,111 manggagawa at 998 na establisiyemento ng mga lalawigan ng Cagayan at Batanes o katumbas na halagang umaabot sa 40.5 milyong piso. Samantalang may 11.3 milyong pisong aasahan ang mga apektadong manggagawa at business establishments sa Nueva Vizcaya at kabuuang 5.9 milyong piso ang inilaan sa Quirino.
Sa ngayon ay umaabot na sa 97.6 milyong piso na nakuha ng mga qualified beneficiaries at may 120.6 ang ipinasok sa mga katuwang na money remittance.
Sa pinakahuling update ng DOLE region 2, umabot sa 24,138 na mga manggagawa sa buong rehiyon ang kuwalipikado at 3,051 naman na business stablishments ang pasok sa requirement para sa CAMP.