Cauayan City, Isabela- Labindalawa nalang ang aktibong kaso ng COVID-19 na binabantayan ng mga health authorities sa lalawigan ng Isabela base sa kanilang inilabas na datos ngayong araw, May 30, 2022.
Kabilang ang tig-isang kaso mula sa mga bayan ng Alicia,Aurora, Cauayan City, Echague, Gamu, Roxas at tig-dalawa naman sa City of Ilagan, Mallig, at Santiago City.
Dahil dito, umabot na sa 69,113 ang total cumulative cases at 66,843 ang recoveries habang nananatili ang bilang na 2,258 ng COVID related deaths.
Sa kabuuan, dalawampu’t walong bayan nalang sa Isabela ang COVID-19 Free.
Samantala, umabot na sa 1,049,603 ang fully vaccinated habang 166,024 o 13.2% ang nakatanggap ng booster dose.
Patuloy naman ang paghimok sa publiko na sundin ang ipinapatupad na minimum public health protocol para makaiwas sa COVID-19.
Facebook Comments