Isang atleta mula Kenya, natapos ang isang marathon sa pinakamabilis na oras

Manila, Philippines -Nagawang isang atleta mula Kenya na tapusin ang isang marathon sa loob lamang ng 2oras at 24 segundo.
 
Sa kabila nito,dismayado pa rin ang Olympic athlete na si Eliud Kipchoge dahil hindi siya nagtagumpaysa layunin niyang tapusin ang marathon ng mas maikli sa 2 oras.
 
Wala pa kasingnakakatapos ng isang marathon ng ganoon kabilis at balak sana niyang siya angkauna-unahang makagawa nito.
 
Nagawa ni Kipchoge natumakbo ng isang milya sa loob lamang ng 4 minuto at 35 segundo sa mga unangbahagi ng marathon ngunit bumagal na ang kanyang pagtakbo sa huling dalawanglap kaya hindi niya naabot ang tinatarget niyang oras.
 
Ayon sa mga eksperto,sadyang mahirap tapusin ng mas maikli sa 2 oras ang 26.2 milya na bumubuo saisang marathon kung saan sa taon 2075 pa ito magagawa ng mga tao.
 
Gayunman, balak ni Kipchogena subukan ulit na makuha ang kanyang hina-hangad na world record.
 

Facebook Comments