Isang baboy sa Baler, Aurora – nagpositibo sa ASF

Nagpositibo sa African swine fever (ASF) ang baboy sa isang swine farm sa Baler, Aurora.

Nitong Miyerkules nang mamatay ang baboy at kinuhanan ng blood sample para isailalim sa pagsusuri.

Dito na nakumpirma na ASF-infected ang baboy.


Ayon kay Baler Municipal Agriculturist Chief, Susana Rotaquio – isinailalim na sa culling o sapilitang pagpatay sa higit 20 baboy sa apektadong farm at sa mga katabing babuyan.

Patuloy na hinihingan ng pahayag ang Department of Agriculture (DA) hinggil dito.

Facebook Comments