Isang BIAF Officer nasawi matapos maheat stroke habang nasa formation

Isang BIAF officer ang nasawi kahapon habang dumadalo sa BIAF officers ng MILF assembly sa Camp Darapanan Sultan Kudarat Maguindanao. Batay sa ipinarating na impormasyon sa DXMY ni Parido Pigcaulan ang MEDIA Committee head ng Assembly, kinilala nito ang nasawi nasi Nasser Macacuba 53 anyos, na nagmula sa Balindong Lanao Del Sur, na under sa Northern Mindanao front. Siyay kabilang sa 46,287 na nagformation kahapon at ng pagsapit ng pasado alas diyes ng umaga ay bigla umano itong natumba makaraang mastroke, kaagad naman itong isinugod sa CRMC ngunit siyay ideneklarang Dead on Arrival ng doctor.Samantala isang BIAF officer din ang hinimatay kahapon ngunit dahil sa mabilis na nagtulong ng standby ng mga staff ng Mobile clinic ay nahimasmasan din ito.Napakainit kasi ng panahon kahapon sa loob ng Camp Darapanan..

Facebook Comments