Isang retired US Army na nanakot sa kanyang kapitbahay, nahulihan ng baril at patalim

Kalaboso ang isang retired US Army makaraang mahulihan ng baril at patalim ng takutin nito ang kanyang mga kapitbahay na isang Sangguniang Kabataan chairman sa Barangay Salapan, San Juan City.

Kinilala ang suspek na si Danny Xavier Shresbury,71 anyos, American Citizen at retired US Army, residente ng 10 Diwa Street Barangay Salapan, San Juan City habang ang biktima ay isang SK Chairman na nakilalang si James Nicole Garcia, 27 anyos residente ng 55 Velosi Street Barangay Salapan, San Juan City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bitbit umano ng retired US Army ang kanyang US model caliber 22 at combat knife kung saan tinatakot ang naturang SK Chairman.


Agad na humingi ng tulong sa pulisya ang biktima kung saan agad namang nagresponde ang mga pulis at dinampot ang American citizen kung saan sinampahan ng kasong Grave Threat, paglabag sa RA 10691 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Illegal Possession of Deadly Weapon.

Facebook Comments