Isang Magsasaka sa Tumauini, Isabela, Arestado dahil sa pagnanakaw!

Tumauini, Isabela – Arestado ang isang magsasaka na may Kasong Pagnanakaw matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest pasado alas dose ng hapon, Disyembre 17, 2018 sa Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela

Kinilala ang akusado na si Joseph Allapitan Tamang, 42 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) inaresto ng mga kasapi ng PNP Tumauini si Tamang sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kasong Qualified Theft na naitala sa bilang na 22-3937 at 22-3938 noong Disyembre 11, 2018.


Dinala na sa Tumauini Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansa na nagkakahalaga ng tig apatnapong libong piso (40,000) sa bawat kaso nito.

Facebook Comments