Cauayan City, Isabela-Binanatan ni Mayor Bernard Dy ng Lungsod ng Cauayan ang isang nagngangalang ‘Graven DG’ dahil sa maanghang nitong komento sa umano’y maling aksyon sa pagpapatupad ng LGU sa ‘No QR Code, No Entry Policy’ at iba pa.
Sa kanyang Public Address, pinayuhan ito ng alkalde na sana’y binasa man lang ang nakasaad sa ilalim ng bagong ipapatupad na kautusan bago nagbitaw ng mga salitang hindi kanais-nais.
Kinwestyon pa ng opisyal si alyas ‘GRAVEN DG’ kung saan ito pinanganak dahil sa naging komento nito gaya ng ‘NASAAN ANG UTAK NIYO’, PINAPAHIRAPAN N’YO lang ang tao.
“Saan ka po pinanganak? tanong ni Dy.
Sinabihan din ito ni Dy na hindi ito welcome sa lungsod dahil mas tinitiyak ng opisyal ang kapakanan ng mga mamamayan para sa ligtas na pagbiyahe at mas mabilis na pagtukoy sa kinaroroonan ng isang tao sakali man na magkaroon ng sitwasyon sa banta ng COVID-19 gamit ang QR Code.
Binigyang diin naman ng opisyal ang kanyang pahayag sa mga dadaan lamang sa lungsod ay hindi na kinakaikailangan pa ng QR CODE at Medical Certificate.
Kung ang isang indibidwal naman ay residente ng Lungsod ngunit nagtatrabaho naman sa ibang bayan at umuuwi rin hapon o hindi lalagpas ng 24 oras ang kanyang pananatili at tanging QR Code lang ang gagamitin at hindi na kailangan pa ng sertipikasyon.
Maliban dito, mahigpit na imomonitor sa checkpoint ang pagsusuot ng face shield at face mask.