Isang Panibagong Kaso ng COVID-19, Naitala sa Lalawigan ng Quirino

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng isa (1) pang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Quirino.

Kinumpirma ito ngayong araw ni Governor Dax Cua sa pamamagitan ng kanyang facebook live.

Ang bagong nagpositibo at ikaapat na COVID-19 patient sa Lalawigan ay isang 41 taong gulang na lalaki na mula sa Brgy. Bannawag sa bayan ng Diffun.


Lumabas ang resulta ng swab test nito kagabi at siya ay positibo sa COVID-19.

Mayroong kasaysayan ng paglalakbay ang pasyente bilang isang drayber sa Cabatuan at may exposure sa mga drayber.

Ayon pa sa Gobernador, asymptomatic ang pasyente at limitado lamang ang mga naging close contacts nito.

Wala aniyang dapat ipangamba ang mamamayan ng Quirino dahil agad naman aniyang naagapan ang pagpositibo ng pasyente at kasalukuyan na rin ang contact tracing.

Sa ngayon ay dalawa (2) ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Quirino habang dalawa (2) din ang nakarekober.

Paalala pa rin nito sa publiko na mag-ingat, sanayin ang social distancing at sundin ang iba pang mga health guidelines at protocols laban sa COVID-19.

Facebook Comments