Isang pulis, patay sa pamamaril sa bayan ng Dumangas, Iloilo

Iloilo, Philippines – Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin sa bayan ng dumangas, Iloilo pasado alas 6 noong Sabado ng gabi.

Nakilala ang biktima na si SPO1 Sherwin Orendain, pulis na naka-assign sa New Lucena Police Station.

Nagtamo ng sugat sa ulo at dibdib ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.


Sinabi ni SPO1 Kim John Banzon, imbestigador ng dumangas PNP na naganap ang insidente alas 6:25 ng gabi sa barangay PD Monfort North, Dumangas, Iloilo.

Sinasabing dumalo lamang sa piyesta sa kaniyang kakilala si SPO1 Orendain sa bayan ng Dumangas at ng pauwi na ito sakay ng kanyang motorsiklo at pagdating sa PD Monfort Dumangas, tumigil ito at may kinausap na dalawang lalaki at habang nag-uusap, isang lalaki ang lumapit at binaril ang naturang pulis.

Kaagad namang tumakas ang salarin kung saan sinasabing kasabwat din ang dalawang lalaking nakausap ni Orendain.

Patuloy pang iniimbistigahan ng Dumangas PNP ang naturang kaso ng pagpaslang kay SPO1 Sherwin Orendain.
DZXL558,*Sonny Punay*

Facebook Comments