Isang pulis sa Cagayan de Oro, binawian ng armas matapos inireklamo ng pagpapaputok ng armas

Binawi muna ng Cagayan de Oro City Police Office o COCPO ang armas na ibinigay nila sa isa sa kanilang pulis matapos inireklamo ng panununtok at pagpapaputok ng armas.

Ito ang inihayag ni COCPO Spokesperson Police Chief Insp. Mardy Hortillosa the 2nd sa interview ng dxCC-RMN.

Ayon kay Hortillosa na sila na ang magsasampa ng kasong administratibo laban kay PO3 Zosimo Haclad Jale na nadestino sa City Public Safety Company at taga Barangay Gusa dito sa syudad kung matanggap na nila ang resulta ng paraffin test.


Sa ngayon hinihintay pa ng COCPO ang dagdag na report mula sa Agora Police Station na siyang umaresto kay PO3 Jale.

Samantala, ayon kay Agora Police Station Commander PCI Allan Curato na una nang nagpahayag ang 19 anyos na complainant na si Alex Magdayag na hindi na ito interesadong magsampa ng kasong kriminal laban nasabing pulis.

Facebook Comments