Isang residential area sa Tondo, Maynila, nasunog

Nasa 10 bahay ang natupok sa nangyaring sunog sa residential area sa Barangay 51, Zone-4 sa Tondo, Maynila.

Nabatid na nagsimula ang sunog pasado ala-1:00 ng madaling araw sa isang residential area sa Pilapil Street kung saan padado alas-4:00 naman ng madaling araw nang ideklara itong fire out.

Nasa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog na umabot sa ikatlong alarma.


Sinasabing isang tatlong taong gulang na batang babae ang nasawi sa nangyaring sunog pero kinukumpirma pa rin ito hanggang sa ngayon.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng insidente at kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok.

Facebook Comments