Isang resolusyon, isinusulong sa Sangguniang Panglungsod ng QC para kilalanin si Anna Patricia Non

Bibigyan ng pagkilala ng Quezon City Local Government Unit (LGU) si Anna Patricia Non, ang organizer ng Maginhawa Community Pantry.

Isang resolusyon ang inihain ni Quezon City Councilor Winnie Castelo dahil sa nagsilbi itong inspirasyon sa pagsulputan ng mga community pantries sa buong bansa.

Sa kaniyang resolusyon,sinabi ni Castelo na hindi inalintana ni Non ang banta ng COVID-19 upang makapaghatid ng tulong.


Sa halip aniya na manatili sa loob ng kaniyang tahanan, pinili ni Non na makatulong sa maliit na paraan na kaniyang makakaya.

Si Non ay isa umanong inspirasyon ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya

Facebook Comments