Isang truck inararo ang Center Island, poste tumumba

Manila, Philippines – Tumba ang isang poste ng ilaw ito ay matapos banggain ng dump truck sa Batasan San Mateo road alas-dos ng madaling araw.
Walang nasaktan sa aksidente pero naging peligroso ang pag-responde dahil buhay ang supply ng kuryente na nakakalat sa kalsada.

Ayon sa driver na si Edward Tunayon, dahan dahan syang nakatapak sa preno habang binabaybay ang padausdos na bahagi ng San Mateo road ng biglang nadulas ang kanyang paa at nawalan na ng control.

Para hindi makapandamay pa mas pinili ng driver na araruhin ang Center Island.


Isang tricycle ang muntik mabagsakan ng poste pero mabuting nakaalis agad ito.

Patuloy pa ang imbistigasyon sa aksidente

Facebook Comments