NBI, nakikipag-ugnayan na sa Interpol matapos makalabas ng bansa ang isa mga suspek sa pagkamatay ng UST law student

Manila, Philippines – Inatasan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation na makipag-ugnayan sa Interpol.

Ito ay matapos makapuslit palabas ng bansa ang isa sa mga suspek sa pagkamatay sa hazing ni University of Santo Tomas law freshman Horacio Castillo III.

Si Ralph Caballes Trangia ay lumipad noong Martes patungong Taipei, Taiwan sakay ng Eva Air flight BR262.


Si Trangia ay kabilang sa labing-anim na inilagay sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) noong Miyerkules.

Ayon kay Aguirre , hihilingin din niya na maikansela ang passport ni Trangia.

Facebook Comments