Kalibo, Aklan –Ito ang binitawang salita nSen. Cynthia Villar sa Senate Committee Hearing sa Isla ng Boracay kahapon at irerekomenda rin ito kay President Rodrigo Duterte para mapagdisisyonan ito ng Pangulo.
Ang nasabing inquiry ay dinaluhan pa ng apat na senador partikular sina Sen. Joel Villanueva, Sen. Nancy Binay, Migz Zubiri ag Senator Loren Legarda para ma imbestigahan ang kinakaharap na problema sa Isla it Boracay.
Samantala, ginisa naman ng mga Senador ang Local Government Officials ng Malay at mga taga Department of Environment and Natural Resources kung bakit napakaraming mga establisyemento na nakakapag operate na walang kaukulang permits.
Ayon sa nakuhang datos ni Senator Zubiri sa DENR, umaabot sa 137 na establishments ang nakakapag operate kahit walang Environmental Compliance Certificates (ECC) sa kabila na pre-requisite ang pagkakaroon nito.
Umaabot na sa 842 na mga Establishments, Private Houses, Resorts and Hotels ang na construct sa Forest land kung saan mahigpit itong pinagbabawal. Samantala, may naitala nang 92 establishments ang nag labag sa Clean Water Act, 78 ang Clean Air Act at apat sa Clean Water and Air Act.
Kung matatandaan na pumutok itong balita matapos na sabihin ni President Rodrigo Duterte na cesspool ang Isla ng Boracay at magdeklara ito na ipapasara ang Boracay kung hindi maayos ang Environmental Problem sa loob ng anim na buwan.
Isara ang Non- Compliant at pabayaang mag operate ang Compliant – Senator Cynthia Villar
Facebook Comments