ISINUSULONG | Bagong security policy at incentive mechanism, isinusulong ng DDB

Manila, Philippines – Kasunod ng nangyaring pagpaslang sa mga PDEA Agents sa Lanao del Sur, balak ng Dangerous Drugs Board na palakasin ang polisiya sa security at incentive mechanism para sa mga anti narcotics operatives na nasa frontline ng war on drugs ng Duterte administration.

Ayon kay DDB Chairman Catalino Cuy, bilang isang policy making body sa drug control program ng gobyerno, magsusulong sila ng mga polisiya na angkop sa mga nasa frontline ng war on drugs ng gobyerno.

Aniya, sa kabila ng banta at babala ni Pangulong Rodrigo Duterte, mas nagiging mapangahas at mabagsik ngayon ang sindikato ng droga.


Gusto aniyang iparamdam ng sindikato na hindi ito kayang lupigin kung kayat pinupuntirya na ang mga anti-narcotics agents.

Kaugnay nito, pinag-iingat na rin ni PDEA director Aaron Aquino ang kaniyang mga tauhan na nakakalat sa buong bansa na magpatupad ng proactive measure laban sa banta ng karahasan at pag-atake.

Facebook Comments