ISIS leader Abu Bakr Al-Baghdadi, patay na nga ba?

Syria – Patuloy na kinukumpirma ng Russian Defense Ministry kung namatay sa airstrikes sa Syria ang ISIS leader na si Abu Bakr Al-Baghdadi.

Ang airstrike ay naganap noong ika-28 ng Mayo, 2017 kung saan ang grupo ng militante at leader ng ISIS ay nasa meeting.

Ayon sa ministry ay posibleng kasama ang ISIS leader sa mga namatay.


Kinumpirma din ng opisyal ng Amerika, na ang mga taga-Russia ang nagsagawa ng nasabing airstrikes.

Inamin naman ng opisyal ng Russia na ang ISIS leader talaga ang target sa airstrikes.

Facebook Comments