Isang low pressure area ang nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan ng pagasa sa layong 1,550 kilometers Silangan ng Mindanao.
Posible itong pumasok sa PAR ngayong weekend at hindi rin inaalis ang tiyansang maging isa itong ganap na bagyo sa susunod na linggo.
Sa ngayon, wala pa itong direktang epekto sa bansa pero patuloy tayong uulanin dahil sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang probinsya ng Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands at Surigao del Norte.
Uulanin din ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil din sa ITCZ at sa localized thunderstorms.
Facebook Comments