Manila, Philippines – Itinaguyod ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap ang mga Infrastructure and Energy Investments sa Pilipinas sa kanyang pagtatanghal sa ASEAN Infra and Energy Finance Forum sa Suntec Singapore Convention & Exhibition Center.
Itinampok ni Ambassador Yap ang ‘Build, Build, Build’ infrastructure campaign ng gobyerno ng Pilipinas na pinaglaanan ng mahigit P1.097 trillion ngayon taon.
Kabilang sa mga kilalang proyekto sa ilalim ng programang ‘Build, Build, Build’ ang Mega Mega Subway Phase I, pagpapalawak ng Clark International Airport at New Clark City.
Ang mga prospective investor ay binigyan ng kaalaman sa maraming paraan kung saan maaari silang sumali sa financing investment projects tulad ng Public Private Partnerships (PPPs), hybrid PPPs, at joint venture contracts.
Pinagsama-sama ng ASEAN Infra at Energy Finance Forum ang mga project investor at developers upang pag-usapan ang mga pinagkukunan ng financing para sa low carbon energy and infrastructure projects sa buong Asya, kabilang ang enerhiya, mga renewable, imprastraktura, at mga proyekto sa transportasyon. <#m_-2860874086296479829_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>