ITINANGGI | Glaiza De Castro, todo deny na may relasyon sila ng kaniyang surfing instructor

141

Todo deny ang aktres na si Glaiza De Castro na may relasyon sila ng kaniyang surfing instructor na si David Rainey.

Say ni Glaiza, magkaibigan lang daw sila ni Rainey at hindi naman daw dumadating sa point na nanliligaw ito sa kaniya.

Nabatid kasi na usap-usapan ang dalawa matapos lumabas ang pictures nila sa social media na palaging magkasama.

Matatandaan na nagkakilala sila noong January nang magbakasyon ang actress sa Siargao kung saan si David ay taga-Ireland.

Sa ngayon, patuloy pa daw nilang kinikilala ang isa’t-isa at nasa dating period pa lamang sila.

Facebook Comments