ITINANGGI | Sara Duterte, itinangging nagre-recruit sila ng mga miyembro ng PDP-Laban at iba pang political parties

28

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte ang balitang nagre-recruit sila ng mga myembro mula sa PDP-Laban at iba pang national parties.

Ayon kay HNP, handa silang tumulong sa PDP-Laban sa gitna ng sigalot sa partido at kanilang ginagalang ang history, experience at wisdom ng ruling party.

Ang HNP ay regional party na nakabase sa Davao region pero sa isinagawang oath-taking ceremony kamakailan ay may mga nakitang leader mula sa ibang rehiyon.

Kabilang dito sina Senators Cynthia Villar ng Nacionalista party at JV Ejercito ng pwersa ng Masang Pilipino maging si Speacial Assistant to the President Bong Go.

Facebook Comments