IWAS PAPUTOK CAMPAIGN 2022 ISINAGAWA NG PHO-AKLAN

Kalibo, Aklan – Dinaluhan ng lahat ng mga head ng Aklan Government Owned Hospitals, Municipal Health Officers, Violence Injury Prevention Program VIPP Coordinators at Disaster Risk Reduction Management in Health DRRM-H Managers ang VIPP meeting Iwas Paputok Campaign 2022 na isinagawa ng Provincial Health Office PHO-Aklan kahapon. Ang Iwas Paputok Campaign ay taunang inilulunsad ng Department of Health DOH upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa peligrong dala ng paputok. Pinag usapan din sa nasabing consultative meeting ang kahandaan ng mga hospitals sa pagtugon sa mga biktima ng paputok ganoon din ang kahandaan ng mga MDRRMO ngayong Pasko at Bagong Taon ng siyang rumiresponde hindi lamang sa mga biktima ng paputok ganoon din sa mga biktima ng iba’t-ibang klaseng aksidente. Ngayong Pasko at Bagong Taon aniya ay umiwas sa paggamit ng paputok dahil dapat kumpleto umano ang daliri sa kamay sa Bagong Taon.
Facebook Comments